PATAY ang isang lider ng Abu Sayyaf Group at apat iba pa makaraan ang bakbakan laban sa militar sa Sitio Sungkayot, Ungkaya Pukan, Basilan.
Nabatid na kabilang sa napatay sa ASG ang sub-leader na si Sulaiman Ajanti alyas Gulay at ang dalawa pang tauhan nito, dalawa ring miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) ang napatay sa bakbakan.
Ala-1:00 kahapon ng hapon nang lusubin ng tropa ng 18th Infantry Battalion kasama ng mga CVO ang lugar na kinukuta ng mga bandido.
Lumalabas na ang napatay na ASG sub-leader ay responsable sa serye ng mga insidente ng ambush at kidnapping sa Basilan at iba pang mga lugar. Gina Roluna