NAKATAKDANG dumating sa bansa mamayang alas-11:00 ngayong Biyernes ng gabi, ang 26 overseas Filipino worker (OFWs) mula sa Syria.
Ayon sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang 26 na OFWs ay darating sakay ng Emirates Airlines Flight-EK332.
Sinabi ni Consuelo Bungag, Media Affairs Chief ng MIAA, ang mga uuwing OFW ay bibigyan ng airport courtesy assistance para mabilis na makalabas sa airport at makuha ang kanilang mga bagahe.
Bukod dito, isasailalim din ang grupo sa stress debriefing at bibigyan sila ng livelihood seminar. Johnny F. Arasga