MASAYANG tinanggap ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pagdalo ng mga kasapi ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas (LBP), Tanauan, Leyte sa pamumuno ni Coun. Maria Martina Larrazabal – Gimenez (ABC / Liga President) sa lungsod upang magmasid sa Navotas Disaster Risk Reduction & Management Council noong July 18, para sa dagdag kaalaman sa disaster preparedness ng lungsod.
Isa ang lungsod ng Navotas sa napili ng nasabing samahan na puntahan ng grupo sa kanilang three-day Annual Lakbay-Gabay activity.
Ang Navotas City ang isa sa safest area ayon kay Metro Manila Development Authority Chairperson Francis M. Tolentino nang minsang madalaw sa lungsod makaraang manalanta ang bagyong si Gener noong 2012.
Nang panahong iyon, ang mga pangunahing kalsada sa lungsod ay nanatiling nadaraanan sa kasagsagan ng bagyo kung saan walang naitalang nasirang pasilidad ng lungsod dahil na rin sa mga ipinagawang bombastic pumping station ng dating alkalde na ngayon ay Congressman Toby Tiangco ng lungsod
“The idea sprung as Cong. Tiangco, on 2003, observed how a man device his own system of getting flood water out of his house by simply using a piece of wood to block the water then use a pail to scoop the water out of his house. This observation became the inspiration for the solution. The dikes were inspired by a piece of wood, the water pumps by the pail.” PS/Supt. Armando B. Militar (DSC) Ret., Local Disaster and Risk Reduction Management Officer of Navotas said.
Sa nabanggit na aktibidad, ipinakita sa audio visual presentation ang paghahanda sa mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog, pagbaha sa pamamagitan ng pagsasaayos ng drainage system, regular drills, information campaigns, instalasyon ng mga CCTV cams, hotline numbers at iba pa. Roger Panizal