HINDI isusulong ng Malakanyang ang loyalty check sa mga kaalyado sa Kongreso para matiyak kung suportado pa rin ng mga ito si Pangulong Noynoy Aquino sa gitna ng sunud-sunod na impeachment complaint.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, panatag ang Pangulo na magpapasya ang mga kongresista batay sa kanilang pagtaya sa ikabubuti ng kanilang mga constituent at sa kapakanan ng bansa.
Ipinaliwanag naman ng Punong Ehekutibo ang mga bentahe ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa sambayanan kaya’t bahala na ang Kongreso na desisyon ang mga nakahaing impeachment complaints laban sa Pangulo.
Hindi naman masabi ni Coloma kung magkakaroon ng pahayag o posisyon ang Liberal Party sa kinakaharap na mga isyu ni Pangulong Aquino subalit ang mahalaga anya ay sundin lang ang tamang proseso dahil nananalig ang mamamayan sa proseso ng demokrasya. Johnny F. Arasga