PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng isang seaman at dalawang babae matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Sauyo, Novaliches sa Quezon City.
Kinilala ang dalawa sa biktima na sina Rosie at Erma Bautista.
Nabatid na sakay ng kotse ang tatlo na minamaneho ng seaman nang tambangan ng mga salarin na sakay ng motorsiklo at agad silang pinagbabaril.
Inaalam pa ang motibo sa krimen. Gina Roluna