PATAY ang dalawang holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis kaninang madaling-araw sa Barangay Greater Lagros, Quezon City.
Nabatid na naglatag ng entrapment operation ang Anti-Carnapping Group ng Quezon City laban sa hindi pa nakilalang mga suspek sa Quirino highway nang matunugan ng mga suspek.
Matapos ang ilang minutong habulan ay nakorner ang mga salarin sa Lagros.
Pero sa halip na sumuko ay agad na pinaputukan ng mga ito ang operatiba dahilan para gumanti ang mga pulis, kanilang ikinamatay. Gina Roluna