AANGKAT na naman ang Pilipinas ng mahigit kalahating milyong tonelada ng bigas para maibsan ang kakulangan nito sa bansa.
Ayon kay Presidential adviser for food security Francis Pangilinan, napagkasunduan sa NFA council na mag-angkat ng bigas sa ibang bansa para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Layon din nito na mapunan ang stock na kinakapos na ng isang linggo.
Kasama rin sa pagtaya ang kakapusan ng bigas dahil sa epekto ng bagyong Glenda.
Giit ni Pangilinan, dadaan sa tamang bidding ang pag-angkat ng bigas na aasahang dadating sa bansa sa huling linggo ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.
Gayunman, wala namang katiyakan kung saan bansa manggagaling ang nasabing bigas. Johnny F. Arasga