Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Palasyo hindi nababahala sa impeachment compaint vs PNoy

$
0
0

HINDI nababahala ang Malakanyang sa isinasampang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., kumpiyansa silang isasaalang-alang ng mga kinatawan ng mamamayan ang kapakanan ng kabuuan sa kanilang pag-aaral at pagpapasya.

“Sa paghain ng impeachment complaint na nakabatay sa mga usaping ligal tungkol sa DAP, dinala ang usaping ito sa larangang pampulitika na kung saan hindi na ang mga mahistrado kundi ang mga hinalal na kinatawan ng mga mamamayan ang tatalakay at magpapasya hinggil dito,” anito.

Kanina ay naghain ng ikalawang balidong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino kung saan ay inaakusahan ito ng paglabag sa Saligang Batas, betrayal of public trust, at graft and corruption dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang 25 pahinang reklamo ay inihain ng Youth Act Now (Youth for Accountability and Truth Now).

Tinuran nito na walang takot na ginawang pork barrel ni Pangulong Aquino ang mahigit na P150 billion of Congress-appropriated public funds.

“The President is guilty of tyrannical abuse of power and gross exercise of discretionary powers through his blatant and willful disregard of the prerogatives reserved by the Constitution for the co-equal branches of government,” ang nakasaad sa 25-page complaint ng Youth Act Now.

Ang reklamo ay isinampa sa Tanggapan ng Secretary General ng Kongreso at inendorso ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa paniniwalang ang reklamo nila sa Chief Executive ay “sufficient in form and substance.”

Nauna nang nagsampa ng impeachment complaint ang grupong Bayan na inendorso ng tatlong kinatawan mula sa makakaliwang grupong Makabayan bloc sa Kongreso na sina Bayan Muna reps. Neri Colmenares, Carlos Isagani Zarate at Anakpawis representative Fernando Hicap. Ang Makabayan bloc ay may pitong miyembro.

Ang iba pang miyembro nito ay sina Gabriela representatives Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus; Kabataan representative Terry Ridon; at Act Teachers representative Antonio Tinio.

Matatandaang, una nang nagsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulong Aquino sina Atty. Oliver Lozano at dating Congressman Augusto Syjuco kaugnay pa rin ng DAP bagama’t hindi pa ini-endorso ng sinomang kongresista. Kris Jose


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>