NANAWAGAN na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda ng Laguna at Batangas na huwag munang mangisda sa mga lawa ng Laguna at Taal.
Ang panawagan ay makaraang masalanta ang daan-daang mga palaisdaan sa nasabing lawa gayundin sa ilang bahagi ng Pampanga at Bulacan dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda dahilan upang magkalat ang mga isda.
Ayon kay BFAR Dir. Asis Perez, bagama’t nanghihinayang ang ahensya sa mga nasasayang na suplay ng isda tulad ng bangus, tilapia at karpa, posibleng maubos ang suplay nito.
Aniya, kadalasang bumabagsak ang presyo ng isda kapag marami ang suplay ngunit, dahil sa kawalan ng elektrisidad sa mga nabanggit na lugar upang makagawa ng yelo na nagpapanatiling sariwa sa mga isda. Johnny F. Arasga