WALANG kinalaman ang pamunuan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa impeachment complaint kontra sa Pangulong Benigno Aquino III.
Nilinaw ng CBCP na sariling desisyon umano ni retired Archbishop Oscar Cruz ang pagpirma nito sa impeachment complaint laban kay Presidente Benigno Aquino III at walang kinalaman ang kanilang samahan.
Ani CBCP President Socrates Villegas, sa media na lamang niya nalaman ang ginawa ni Cruz at nilinaw nito na ang anomang desisyon ng bawat pari o obispo ay sariling desisyon nila at hindi nangangahulugang kinakatawan nila o nirerepresenta nila ang CBCP.
Alam din ni Villegas na noon pa man ay aktibo na si Cruz sa mga nangyayari sa ating gobyerno at ito’y sariling desisyon niya. Johnny F. Arasga