SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Dalawang albularyo ang inaresto ng mga pulis dahil sa umano’y pagnanakaw sa kanilang pasyente.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Virgilio Cayago, 54, at Mario Soriano, 53, kapwa ng Barangay Polong, Malasiqui, Pangasinan.
Sa imbestigasyon, nagpagamot ang biktimang si Lorna Ballesteros, ng Rosario, La Union, dahil umano sa tinding sakit ng ulo nito.
Personal na pinatawag ni Ballesteros ang mga suspek at pinuntahan nila ang bahay ng biktima.
Habang ginagamot, lihim na ninanakawan ang biktima ng mga alahas at pera.
Napansin ng biktima na wala na ang mga alahas at pera niya kasabay ng pag-alis ng mga suspek na noon di’y dumulog sa pulisya.
Ang mga suspek ay naaresto sa Barangay Bolosan, Dagupan City at dinala sa Rosario police office. Allan Bergonia