IPINASARA ngayon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang ahensya na nasasangkot sa illegal recruitment sa Makati.
Ito ay ang Bright 3 Manpower Agency na nasa Room 246, Cityland 8, 98 Gil Puyat Avenue, Makati City, dahil sa unauthorized recruitment ng mga manggagawa para sa Malaysia at United Arab Emirates (UAE).
“During the implementation of the closure order, the POEA agents discovered that Bright 3 Manpower Agency was accepting applicants for jobs such as salesman, saleslady, laundry man/woman, housekeepers, janitors, waiters/waitresses and construction workers for Dubai, and service crew for Malaysia,” ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac.
Natuklasan pa na ang kompanya ay nangangalap ng aplikante para magtrabaho sa ibayong dagat na walang pahintulot sa POEA at Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa interogasyon, inamin ng manager na si Rosalinda Natama, ang pangangalap ng aplikante sa para sa overseas employment.
Nakatakdang sampahan ng kasong illegal recruitment si Natama pati na ang kanyang mga empleyado na kinilalang sina Lorelyn Corona, Janette Togado at Maribie Zafra. Johnny F. Arasga