MARIING ipinahayag ng Simbahang Katoliko na walang ibinebentang tiket o “No ticket for sale” para sa pagbisita ni Pope Francis sa susunod na taon.
Ayon kay Papal Nuncio Archbishop Guisseppe Pinto, walang tiket na ibinebenta para sa pagdalo sa misa maging sa ibang aktibidad na dadaluhan at papangunahan ng Santo Papa.
Kinondena ni Pinto ang pananamantala ng ilang tao, sa nakatakdang pagbisita ng Santo Papa at ginagamit ito para magpayaman at kumita ng pera. Johnny F. Arasga