SINISIMULAN pa lamang ang recovery plan sa napinsala ng bagyong Glenda, nasunog naman ang tatlong bahay na halos P50,000 ang naidagdag na pinsala at tatlong tao ang nasugatan sa Albay.
Sa nakalap na ulat, nasunog ang bahay na pag-aari ni Shirley Almayda sa bahagi ng P2, Barangay Rawis, sa lungsod ng Legazpi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Legazpi, napabayaang kandila ang sanhi ng sunog.
Sa ngayon ay nananatiling walang suplay kuryente ang buong lalawigan ng Albay.
Tinatayang aabot naman sa humigit-kumulang sa P50,000 ang naitalang pinsala sa nangyaring sunog. Johnny F. Arasga