Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

‘Wag seryosohin ang yellow ribbon campaign — Malakanyang

$
0
0

NANAWAGAN ngayon ang Malakanyang sa publiko na huwag seryosohin ang panawagan ng Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa pagsusuot ng yellow ribbon upang ipakita ang suporta sa administrasyon.

Ang panawagan ng Pangulo ay kasunod ng paglulunsad ng ilang grupo ng mga gimik upang kontrahin ang naging pahayag ng Pangulo makaraang maglabas ito ng sentimyento sa taumbayan kaugnay sa pagbasura ng Korte Suprema sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, hindi layunin ng administrasyong Aquino na magsimula ng kumpetisyon ng kulay upang maghasik ng pagkakawatak-watak.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag bunsod ng paglulunsad ng peach ribbon ng mga militanteng grupo bilang pantapat sa yellow ribbon campaign ng Pangulong Aquino na umani ng kaliwa’t kanang puna. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>