UMABOT sa mahigit 7,000 sako ng bigas ang ipinakalat ng National Food Authority (NFA) para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Glenda nitong Miyerkules.
Ayon sa NFA, pinakamalaking bilang ng mga nakatanggap ng suplay ng bigas ay ang Region 5 – Bicol na sinundan naman ng Region 8, NCR, Region 4 A at B at Region 1.
Kasunod nito, inatasan na ni Presidential Assistant for Food Security and Agriculutre Francis Pangilinan si NFA Administrator Arthur Juan na tutukan kung may mga nagsasamantala sa pagbebenta ng NFA rice sa mga apektadong lugar.
Gayunman, nakikipag-ugnayan na ang NFA operations center sa mga lokal na pamahalaang apektado ng bagyo kung may kailangan pang dagdagan ang suplay ng bigas para sa mga nasalanta ng kalamidad. Johnny F. Arasga