SUGATAN ang dalawang sundalo matapos sumabog ang landmine na inilagay umano ng New Peoples Army (NPA).
Kinumpirma ni Col. Patricio Amata, commanding Officer ng 73rd Infantry Battalion na magsasagawa sana ng Peacebuilding Seminar ang kanyang mga sundalo sa Dimulok, Malita Davao Occidental nang nangyari ang insidente.
Naglagay umano ng landmine ang rebeldeng grupo at itinaon sa pagdaan ng mga sundalo kaya’t kapwa sugatan sina Pvt. Montes at Pvt. Estado.
Sinabi ni Amata na nanguna sa tropa si 2Lt Jerry Mabulang ng maputukan ng landmine habang papasok pa lamang sa Sitio Kitulaki sa Malita.
Ayon kay Amata, ikinagalit ng rebelding NPA nang makuha ng mga sundalo ang suporta ng mga residente sa nasabing lugar.
Matapos ang pambobomba, kaagad nagsagawa ng military operation ang mga sundalo. Marjorie Dacoro