KUMPIYANSA ang isang solon na hindi pa rin huhupa ang kontrobersya kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Bagama’t nagpaliwanag na si Pangulong Noynoy Aquino sa isyu. “Palagay ko hindi pa huhupa ang controversy sa DAP, though maganda na inilabas ng administrasyon ‘yung listahan ng nga proyektong pinondohan ng DAP sapagkat ang habol ng taumbayan ngayon ay makita saan talaga nagastos ‘yung pera nila,” paliwanag ni Sen. Sonny Angara sa pagdiriwang ng kaniyang ika-42 kaarawan.
Naniniwala rin si Angara na hindi contemptuos ang ginawa ng pangulo na pagbanat sa ruling ng SC sa DAP.
Aniya, si PNoy ang head ng gobyerno ng Pilipinas at karapatan niya na ilabas ang kanyang opinyon sa mga isyu.
Hindi rin nito nakikita na magkakaroon ng constitutional crisis dahil sa isyu ng DAP taliwas sa sinasabi ng ilan.
Magkakaroon lamang aniya ng constitutional crisis kung susuwayin ng executive department ang final decision ng korte suprema
“I don’t see any constitutional crisis, it will only occur kapag sinuway ng executive ‘yung decision ng SC once naging final ‘yun, eh, wala pa naman tayo dun,” paliwanag pa ni Angara. Linda Bohol