Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lady solon umaasang ‘di magkakagulo ang isyu sa DAP

$
0
0

NANINIWALA si Sen. Nancy Binay na posibleng nalito lamang si PNoy sa papel o gampanin ng co-equal branches ng gobyerno.

Papel ng ehekutibo ang ipatupad ang batas at sa hudikaturya ay i-interpret ang batas.

“Somehow I get the feeling the President may have confused the roles of the co-equal branches,” aniya.

Sa botong 13-0 ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC), nanaig ang desisyon na ideklarang ‘unconstitutional’ ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

“Dapat tingnan na trabaho lang ito, walang personalan,” giit ni Binay.

Umaasa ang lady solon na hindi hahantong sa gulo sa pagitan ng Ehekutibo at Hudikatura ang usapin sa DAP na tila pinasaring ng Pangulo sa kaniyang talumpati nitong Lunes na ipinalabas sa magkakahiwalay na istasyon ng telebisyon.

“This will be counter-productive. Last two years na ni Pangulong Aquino. Sana ang pagtuunan ang problema sa kuryente, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, trabaho, kahirapan at ang laganap na kriminalidad. Hindi ang pakikipag-away sa Supreme Court na isang co-equal branch,” diin pa ng bagitong solon.

Kasabay ng talumpati, kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang SC kung paano nito ginugol ang nasabing savings na inilabas sa media.

“I hope this is not in retaliation for the DAP decision because if that is the case, the move can be seen as petty and vindictive. At hindi maiiwasan na itanong: Sino ngayon ang namemersonal?” tanong pa ni Binay. Linda Bohol


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>