NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang Army detachment commander nang ratratin ng kanyang tauhan sa gitna ng inuman sa Aurora.
Dead-on-arrival sa Premier General Hospital sanhi ng tinamong tama ng carbine ang biktimang si Sgt. Jimmy Fagyan, 48, ng Barangay Quirino, Aurora.
Hinahanting na ngayon para panagutin sa krimen ang suspek na si Private Freddie Rivera.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 nitong Martes ng gabi sa isang army detachment sa may Barangay Suguit, sa Maria, Aurora.
Bago ito, nag-iinuman ang biktima kasama ang suspek at ilang mga sundalo nang biglang magkainitan sina Fagyan at Rivera.
Tumayo si Fagyan para kunin ang kanyang armas pero niratrat na agad siya ni Rivera at saka tumakas. Robert C. Ticzon