NAUDLOT ngayong linggo ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda.
Bukod dito, parehong nag-reset ng petsa ng filing ng impeachment complaint ang grupong Bagong Alyansang Makabayan at Youth Act Now bunga ng epekto ng bagyong Glenda.
Kapwa kinumpirma nina Bayan Secretary General Renato Reyes at Youth Act Now spokesperson Victor Villanueva na sa susunod na linggo na nila itutuloy ang paghahain sa Kamara ng reklamo laban kay Pangulong Aquino.
Ayon kina Reyes at Villanueva, nakikisimpatya sila sa mga naapektuhan ng bagyong Glenda sa iba’t ibang panig ng bansa kaya iuurong ang paghahain ng impeachment complaint.
Ang reklamong impeachment laban sa Pangulo ay kaugnay ng unconstitutional na disbursement acceleration program (DAP) at inaasahang pangunahing grounds ng mga ito ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust. Johnny F. Arasga