LUMABAS na ng Philippine Area of Responsability ang bagyong Glenda ngayong araw, Huwebes, Hulyo 17.
Ayon sa PAGASA, nakalabas na ng kalupaan ng Luzon matapos huling mamataan sa may West Philippine Sea taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 170 kph.
Si Glenda ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Sinabi ng PAGASA na nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Cavite, Lubang Island, Pangasinan at ilang lugar sa Metro Manila.
Signal no. 2 naman sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Southern Aurora, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands, Laguna, Batangas at northern part ng Occidental at Oriental Mindoro.
Signal no. 1 naman sa Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao, Quirino, nalalabing bahagi ng Aurora, Camarines Norte, Marinduque, nalalabing bahagi ng Occidental at Oriental Mindoro gayundin ang Calamian Group of Islands.
Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat dahil kahit palabas na ng bansa ang bagyong Glenda ay patuloy pa rin ang mga pag-ulan dulot ng habagat. Santi Celario