HAWAK na ngayon ng mga awtoridad ang tatlong hostage taker sa isang orphanage sa Legazpi City, Albay kahapon.
Ayon sa report, biglang pinasok ng suspek ang Good Shepherd Home sa Barangay San Roque na kinilalang si Private First Class Licayan kasama ang dalawang iba pa.
Hinostage ng tatlo ang mga madre at bata sa nabanggit na orphanage.
Ayon kay Legazpi Mayor Noel Rosal, nagsagawa ng training sa Disaster Risk Reduction and Management ang grupo ng suspek subalit hindi pinauwi ang mga ito ng kanilang commander officer dahil na rin sa bagyo.
Nagawang makalabas ng isang bihag na madre at sinabi nitong may long fire arm ang suspek na si Licayan.
Samantala, ayaw pang magbigay ng pulisya ng pahayag hinggil dito. Johnny F. Arasga