IBINASURA ng Korte Suprema ang hirit ni Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na mapawalang-bisa ang ipinalabas na warrant of arrest laban sa kanya ng Sandiganbayan.
Ayon sa Korte Suprema, “procedurally defective” o hindi kasi nasunod ni Reyes ang tamang proseso sa paghahain ng supplemental petition.
Hindi raw kasi nakapaghain si Reyes ng leave of court para sa paghahain ng supplemental petition.
Tinukoy pa ng Korte Suprema na maituturing na bagong petisyon ang inihaing pleading ni Reyes at hindi lamang ito karagdagan sa nauna nang petisyon na kanyang inihain.
Magkagayunman, hindi naman pinipigilan ng Korte Suprema ang posibleng maging hakbang ni Reyes sakaling siya ay magpasya na muling ihain ang petisyon sa tamang proseso. Teresa Tavares