LALO pang lumakas ang bagyong Glenda habang tinatahak ang Kabikulan kaninang umaga, Hulyo 15, Martes.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), namataan ang bagyong Glenda alas-11:00 ng umaga sa layong 160 kilometro ng silangan ng Catarman, Northern Samar taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras (kph) at bugso ng hanging na umaabot sa 150 kph.
Si Glenda ay kumikilos sa bilis na 24 kph pakanluran.
Nakataas ang signal no. 3 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate kasama na ang Burias and Ticao Islands, Southern Quezon, Marinduque, Northern Samar, northern part ng Samar at Eastern Samar.
Signal no. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Quezon, kasama na ang Polilio Island, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Biliran, iba pang bahagi ng Samar, Eastern Samar at northern part ng Leyte.
Signal no. 1 naman sa Romblon, Oriental at Occidental Mindoro, Lubang Island, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, southern part ng Leyte at Camotes Island.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga, Miyerkules inaasahan dadaan ang bagyong Glenda sa Metro Manila kaya pinag-iingat ang mga residente rito. Santi Celario