HINILING ng prosecuting panel kaninang umaga, Hulyo 15, sa Sandiganbayan na suspendihin si Senator Juan Ponce Enrile mula sa public office habang ito’y nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam.
Sa isang mosyon na isinampa sa anti-graft court, sinabi ng mga prosekutor na dapat suspendihin si Enrile para mahadlangan itong makapag-intimidate o mag-impluwensya ng mga testigo o mag-tamper ng mga documentary evidence.
“It is presumed that unless the accused is suspended and prevented from discharging official acts, he may frustrate his prosecution and commit further acts of malfeasance,” ayon pa sa mosyon.
Sumuko sa awtoridad si Enrile matapos ipalabas ang arrest warrant laban sa kanya pero isinugod ito sa ospital sanhi ng pagsirit ng kanyang blood pressure. Robert C. Ticzon