NAKAAMBA na naman maghain ng isa pang reklamong impeachment ang isang militanteng grupo laban kay Pangulong Noynoy Aquino bukas, Miyerkules, Hulyo 16.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ito’y dahil sa kabiguan pa rin ng administrasyong Aquino na aminin na saan talaga napunta ang pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod ng naging pagpapaliwanag ni Pangulong Aquino sa kanyang mga ‘boss’ sa isinagawa niyang televised speech kagabi.
Giit ni Reyes, ipinakita lamang ng Pangulo ang kanyang pagiging arogante nang humarap ito sa taumbayan upang depensahan ang DAP kaya’t panahon na aniya upang tanggalin sa puwesto ang Pangulo. Johnny F. Arasga