Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Autralian ‘jihaddist’ mananatili sa kustodiya ng BI

$
0
0

MANANATILI sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City ang Australian jihadist na si Robert Edward Cerantonio, alyas “Musa Cerantonio,” habang naghihintay ng kanyang deportation order.

Ito ang tiniyak ng BI kasabay ng pahayag ni BI spokesperson Atty. Elaine Tan na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Australian embassy  upang agad na mapabalik ng kanyang bansa si Cenrantonio  matapos na maaresto sa Lapu-lapu City, Cebu dahil sa paglalantad nito ng global jihad sa  internet.

Hawak naman ng pulisya sa Mandaue City ang kasintahan ni Cerantonio na si Joen Montaire, alyas “Mayra Ashawie,” 32, fashion designer ng Negros Occidental.

Si Cerantonio umano ay pumasok sa bansa upang magsagawa ng pagtuturo ng jihad sa internet partikular sa facebook.

Pinaniniwalaang konektado din si Cerantonio sa terror group na Al Qaeda. Tinukoy ng ilang  terrorist experts na si Cerantonio ay isa sa mga maimpluwensiyang online preachers. Sinusuportahan ito ang jihad sa Iraq at Syria.

Ayon pa sa BI, ang pagpapa-deport kay Cerantonio ay matapos kanselahin ng Canberra ang kanyang pasaporte kung kaya’t itinuring na itong illegal alien sa bansa.

Si Cerantonio ay may 12,000 followers sa FB bago i-shut down ang kanyang FB noong Abril. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan