MULING ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang Motion for Reconsideration ni Janet Napoles na kumukwestyon sa kautusan ng Makati RTC na arestuhin siya dahil sa kasong serious illegal detention na inihain ni Benhur Luy.
Sa dalawang pahinang resolusyon ni Associate Justice Ramon Garcia, tinukoy ng dating CA Third Division Judge na walang bagong argumentong inihain si Napoles sa kanyang mosyon.
Natalakay na ang lahat ng aspeto na iginigiit ng umano’y utak sa pork barrel scam sa naunang resolusyon ng appellate court.
Nauna ng hiniling ni Napoles sa CA na pakawalan siya sa bilangguan at ibasura ang kanyang kaso na inihain ng NBI sa DoJ. Johnny F. Arasga