MALAKI ang paniniwala ni Senador Chiz Escudero na mataas pa rin ang pinakahuling net satisfaction rating ni Pangulong Noynoy Aquino kumpara sa mga rating ng mga nakalipas na Presidente.
Ayon kay Escudero, ito’y kahit pa sumadsad sa positive 25% mula sa dating positive 45% ang net satisfaction rating ni Pangulong Aquino base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon pa kay Escudero, magugunitang halos bumagsak sa negative level ang ratings ng ilang dating pangulo tuwing nagtatapos na ang termino ng mga ito.
Karaniwang bumababa ang ratings ng mga pangulo sa tuwing matatapos na ang kanilang panunungkulan subalit nasa positive level pa rin ang satisfaction ratings ni Pangulong Aquino sa nalalabing dalawang taon nito sa puwesto.
Samantala, naniniwala rin si Escudero na hindi pa masasabing naapektuhan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang pinakahuling survey sa Pangulo dahil isinagawa ito bago maglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) sa DAP. Johnny F. Arasga