Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Luneta vendors, nagbarikada

$
0
0

NAGBARIKADA ang mga vendors ng Luneta upang biguin ang planong pagpapalayas sa kanila ng National Parks Development Coommittee (NPDC) mula sa loob ng nasabing national park.

Noong Pebrero 20, 2013 ay nakatanggap ang mga kasapi ng Peoples Democratic Hawkers and Vendors Alliance o PEDHA-KADAMAY ng mga notice to vacate mula sa police community precinct ng Luneta na hiniling ng NPDC.

Ang PEDHVA-KADAMAY ay may bilang na 120 kasaping manininda na nahaharap din sa mga banta ng demolisyon ng kanilang tirahan sa mga komunidad na malapit sa Luneta. Simula 1999, sinimulang ipaglaban ng maralitang vendors sa Luneta Park ang kanilang pagtitinda dahil sa kawalan at kakapusan sa kabuhayan sa pang-araw-araw.

Ngunit muling ipinatutupad ang ‘Zero Vending Policy’ sa Lungsod ng Maynila sa ilalim ni Mayor Alfredo Lim na ayon sa Kadamay ay magtatangal sa karapatan sa kabuhayan ng libu-libong maralitang manininda sa lungsod.

Noong nakaraang taon, tinangkang palayasin ng NDPC ang mga Luntea Vendors kung hindi sila makapagbabayad ng napalaking upa lalo na sa bahagi ng Phase 2 ng national park. Ngayong araw, sa bahagi naman ng Phase 4 ng parke, palalayasin ang mga vendor kasabay ng hindi na mapipigilang pribatisasyon ng Luneta Park sa ilalim ng programang Public-Private Partnership ng administrasyong Aquino.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>