PUMALO na sa 1,069 ang lumalabag sa gun ban ng Commission on Elections, simula ng ipatupad ito.
Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, sa naturang bilang, 970 ay mga sibilyan, 13 pulis, 14 government officials, 6 na sundalo at isang tauhan ng Bureau of Fire Protection .
Nakumpiska naman ng mga kinauukulan ang 1,041 na mga armas, 30 airguns at firearm replicas, 46 mga granada, 195 na mga pampasbog, 272 bladed weapons at 5,296 na piraso ng mga bala.
Ang gun ban ay ipatutupad hanggang June 12, 2013.