TABUK CITY, KALINGA – Apat ang patay habang isa ang nasa kritikal matapos magbangaan ang tricycle at passenger van sa Barangay Appas, Tabuk City, sa nasabing lalawigan noong Lunes ng gabi, July 14.
Kinilala ng Tabuk police ang mga namatay na sina Marco Tamayo, tricycle driver, at mga pasahero nitong sina Michael Bacta, Jomel Lacuarta at Abegail Belgica.
Samantala, kritikal naman ang isang Shanee Mae Belgica na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, nangyari ang insidente na national road ng Barangay Appas kung saan nag-overtake ang van na minamaneho ni Kerubin Winnie Banosan at nakasalubong ang tricycle ni Tamayo na nasa kabilang lane.
Dahil dito, nag head-on collision ang tricycle at van at tumilapon ang mga laman ng tricycle.
Nagtamo ng body and head injuries ang mga biktima sanhi ng kanilang pagkamatay.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng Tabuk police laban kay Banosan na tumakas pagkatapos ang insidente. Allan Bergonia