IPINATUPAD ng mga kumpanya ng langis ngayong Martes, Hulyo 15, ang kaltas-presyo ng mga produktong petrolyo.
Tinapyasan ng Shell, Petron at Seaoil ng tig-P0.95 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel, gasolina at kerosene simula alas-12:01 ng madaling-araw.
Sa parehong oras, nag-rollback din sa parehong halaga ang PTT Philippines para sa kanilang gasolina at diesel.
Samantala, alas-6:00 ng umaga nagbaba ang Total at Phoenix Petroleum ng P0.95 din sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina.
Ito na ang ikalawang Martes ngayong Hulyo na nagbaba ng presyuhan sa merkado. Johnny F. Arasga