PATULOY na lumalala ang krisis sa West Africa makaraang pumalo na sa 500 ang mga namatay dulot ng pagkalat ng ebola virus sa lugar.
Ayon sa grupong plan international, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng ebola sa labas ng Africa, nananatili pa rin ang banta nito dahilan upang kailangang magdoble kayod ang mga lugar malapit dito.
Maging ang mga religious group at ibang mga aktibista ay gumawa na rin ng hakbang upang mapataas ang kamalayan ng mga residente partikular na sa bayan ng Siera Leonne.
Gayunman, umaasa pa rin ang World Health Organization (WHO) na mapipigilan din nila ang sitwasyon sa mga susunod na linggo. Johnny F. Arasga