INATASAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabaklas sa mga billboard bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Glenda.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, “effective immediately” ang naturang kautusan sa lahat ng billboard ng kahit anong sukat o laki upang maiwasan ang sakuna.
Muling pinaaalalahan ni Tolentino ang publiko, maging ang mga motorista na umiwas sa 22 flood prone areas sa Metro Manila.
Samantala, handa na rin ang MMDA na subukan ang kanilang bagong flood control equipment na donasyon ng Japan, sakaling malubog muli sa baha ang kalakhang Maynila. Johnny F. Arasga