NAGSASAGAWA ng masinsinang imbestigasyon ang kapulisan sa lungsod ng Escalante, Negros Occidental upang matukoy ang mga suspek na nagnakaw sa loob ng city hall ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Supt. Leo Batilles, hepe ng Escalante City Police Station, umaabot sa P2-milyon cash ng lungsod ang nawala.
Ang naturang pera ay nakatago sa isang steel vault sa loob ng cashier’s office sa loob ng city hall.
Ang insidente ay nadiskubre ng utility worker ng city hall na si Noel Biñas kahapon at agad na ipinaalam sa kapulisan matapos makitang bukas at sira na ang steel cabinet sa loob ng tanggapan at wala na rin ang tatlong cash steel box sa loob.
Ayon kay Supt. Batilles, may guwardiya din na naka-assign upang magbantay ngunit may mga oras na walang bantay dahil sa gap sa schedule ng susunod na nagbabantay.
Sa ngayon, ini-establish pa ng pulisya kung anong oras posible pumasok ang mga magnanakaw na tinatayang hindi bababa sa dalawang katao. Marjorie Dacoro