ISANG Ukrainian transport plane ang bumagsak makaraang tamaan ng rocket na pinakawalan umano ng Kiev’s government mula sa Russia.
Napag-alamang nasa apat na milya ang taas ng eroplano sa Luhansk region, Ukraine malapit sa border ng Russia kung saan nakabase rin ang Ukrainian military na nakikipaglaban sa pro-Russian separatists nang tamaan ito ng bomba.
Sa ngayon, nire-rescue na ang mga crew members ng eroplano at sinusubukang kunin ang mga ito sa kanilang teritoryo.
Maalalang noong Biyernes, unang nagpaulan ng rocket ang pro-Russian separatists sa Ukrainian military camp sa Luhansk region na ikinamatay ng 19 troops at ikinasugat ng 55 iba pa. Marjorie Dacoro