IKINAKASA na ni Senador Jinggoy Estrada ang 10 hanggang 15 porsyentong dagdag-sahod para sa mga nagtatrabaho sa gabi.
Nakasaad sa Senate Bill 2298 ang pagsusulong ni Estrada na maamiyendahan ang Labor Code para maitaas ang sweldo ng mga manggawa sa night shift na sumasaklaw simula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.
Ang dagdag-sahod ay para na rin sa interes ng graveyard shift workers at upang mabawasan ang kanilang financial at emotional stress.
The post Dagdag-sahod sa mga night shift workers, ikinakasa appeared first on Remate.