NARAMDAMAN ng kampo ng TV host-actor na si Vhong Navarro ang hustisya nang ibasura ng piskalya ang ikalawang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Ayon sa abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, isa itong vindication para sa aktor.
Patunay din ito na kasinungalingan ang mga walang basehang akusasyon ni Cornejo laban sa kanyang kliyente.
Sa desisyon ng Taguig City Prosecutor’s Office, binigyang-diin na ang mga aksyon ni Cornejo matapos ang January 17, 2014 nang una siya ginahasa ni Navarro, ay hindi naaangkop para sa isang rape victim.
Normal naman ang mga kilos ng modelo at walang pagbabago sa behavior nito.
Kinuwestyon din ng piskalya kung bakit pinayagan pa ni Cornejo na ma-rape ang sarili noong January 22 kung ginahasa na ito noong January 17.
Nabatid na sa unang rape complaint ni Cornejo, sinabi nito na ni-rape siya ni Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa kanyang condo bagama’t ibinasura ito ng piskalya.
Dahil dito nagsampa ng pangalawang reklamo si Deniece na nagsasabing ni-rape din siya ni Navarro noong January 17, 2014 na una silang nagkita.
The post Navarro, nagalak sa pagbasura ng 2nd rape case ni Cornejo appeared first on Remate.