NAILIGTAS ng Mexican Police ang 165 migrante na kinidnap sa Border State na Tamaulipas, habang patawid papunta sa Estados Unidos.
Ayon sa report, karamihan sa mga nailigtas ay mula sa Cuba, Honduras, at El Salvador na pawang nakaranas ng pang-aabuso mula sa abductors.
Ang bayan ng Taumalipas sa Northeastern Mexico ay ang nagsisilbing battle ground para sa Gulf cartel gang at ng mahigpit nitong kalaban na Zetas.
The post Higit 100 kinidnap sa Mexico, nailigtas appeared first on Remate.