PINAGHAHANDA ng Department of Energy (DoE) ang lahat ng mga residente sa Luzon na maapektuhan ng maghapong rotating blackout ngayong araw.
Ito’y dahil pa rin sa naka-schedule na shutdown ng 1,200-megawatt Ilijan power plant sa Batangas para sa maintenance.
Sinabi ni Energy Secretary Carlos Petilla na ang 300-megawatt Calaca coal-powered plant sa Batangas ay nakararanas ng outage, pero aasahang maibabalik ang operasyon bago mag-alas-10 ng umaga para mapataas ang power supply sa Luzon.
Itinaon umano ng DoE na sa weekend ang rolling blackout para kaunti lamang ang maapektuhan.
Tiniyak naman ng DoE na balik normal na ang suplay sa susunod na linggo dahil dalawang araw lang ang pagsasaayos sa mga sirang linya ng Ilijan power plant.
The post Brownout mararanasan sa Luzon ngayong araw appeared first on Remate.