ISANG ganap na bagyo na ang low pressure area na pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility kahapon at tatawagin itong “Auring”.
Sa 11:00 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-10:00 ng umaga ay namataan ang bagyong Auring sa layong 50 kilometers west ng Dipolog City.
Taglay nito ang hangin na 55 km per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 28 kph.
Itinaas naman ang babala ng bagyo bilang isa (signal number 1) sa mga sumusunod na lalawigan:
Luzon:
- Palawan
Visayas
- Southern part of Negros provinces
- Siquijor Island
Mindanao
- Lanao Del Norte
- Lanao Del Sur
- Misamis Occidental
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga Sibugay
Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente sa mga lalawigan na nasa signal No. 1 na mag-ingat sa posiblidad ng falshfloods at landslides.