INAASAHANG ilalabas ngayong araw ng Court of Appelas (CA) ang desisyon kaugnany sa inihaing petisyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia matapos siyang suspindihin ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa CA, hindi agad natalakay ang inihaing petisyon noong Disyembre ng nakaraang taon ni Garcia dahil hindi ito naihabol ng nagsiuwian na ang mga justices.
Napunta naman ang kaso ni Garcia sa 12th Division na hinahawakan ni Associate Justice Vicente Veloso, Justices Aurora Jane Lantion at Eduardo Peralta.
Sa petisyon ni Garcia, iginiit ng kanyang kampo na iligal ang kanyang suspension order dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso.
Sinuspinde si Garcia ng anim na buwan batay sa reklamo na inihain ng yumaong si Vice Governor Greg Sanchez noong 2010 na nag-akusa ng “usurpation of authority”.