SINABI kahapon, Biyernes, ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura na ibenta na lamang sa publiko ang mga smuggled na bawang na nasabat sa Batangas.
Ayon kay SIA Pres. Atty. Rosendo So, makatutulong ang nasa P30-milyong halaga ng bawang sa pagpapababa ng presyo nito sa merkado.
Ani So, hindi mabuting ipa-bid ang nasabat na bawang dahil posibleng mapasakamay uli ito ng mga smuggler.
Matatandaang kinasuhan na sa Department of Justice (DoJ) ang isang negosyante at Customs broker dahil sa iligal na importasyon ng higit 101,000 kilo ng bawang.
Sinibak naman ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala si Clarito Barron ng Bureau of Plant Industry (BPI) upang hindi pamarisan.
The post Smuggled na bawang ipinabebenta sa publiko appeared first on Remate.