KUMPIRMADONG nakalabas na ng bansa ang apat na miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na pawang mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Guillo Cesar Servando.
Ipinabatid ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa sina Esmerson Nathaniel Calupas, Hans Killian Ttalonghari, Eleazar III Pablico, at John Kevin Navoa bago pa man nailagay ang mga ito sa lookout bulletin.
Bineberipika na rin ang records ng ng iba pang suspek sa hazing na sina:
-Cody Errol Morales
-Daniel Paul Martin “Pope” Bautista
-Kurt Michael Alamazan
-Luis Solomon “Louie” Arevalo
-Carl Francis Loresca
-Jomar Pajarito
-Vic Angelo Dy
-Mark Ramos
-Mike Castaneda
-Tessa Dayanghirang
-Yssa Valbuena
-alias Rey Jay
-alias Kiko
Nilinaw naman ng BI na ang pagkakalagay sa lookout bulletin ay hindi nangangahulugan na hindi na maaaring makaalis ng bansa ang mga suspek.
The post 4 sa Servando hazing nakalabas na ng bansa appeared first on Remate.