NANANALASA pa rin ngayon sa mainland Japan ang bagyong Florita na may international codename Neoguri.
Bagama’t bahagyang humina, nagdulot pa rin ito ng baha at mudslides.
Higit 500 bahay ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na ulan habang 130,000 pamilya ang inilikas.
Kaninang umaga ay nag-landfall sa Kyoshu Island si Neoguri at muling tatama ang mata nito bukas sa Honshu Island na kinaroroonan ng mga major cities na Tokyo at Osaka.
Dahil dito, mahigit 190 flights ng eroplano ang kinansela at tatama ang bagyo sa Fukushima nuclear plant.
Nabatid na ang Fukushima nuclear plant ay sinira ng tsunami noong 2011 na sanhi ng nuclear crisis sa bansa.
The post Japan binaha, 190 flights kanselado kay Neoguri appeared first on Remate.