Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Panibagong bagyo, papasok sa PAR sa Lunes

$
0
0

BINABANTAYAN na ng PAGASA ang isang bagyo na nabubuo sa karagatang Pasipiko na nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, dumaan sa karagatang sakop ng Pilipinas ang bagyong Florita na ngayo’y nanalasa sa Japan na ikinamatay ng tatlong katao at nagdulot pinsala sa mga ari-arian.

Ayon pa sa PAGASA, ang panibagong bagyo ay nabuo malapit sa bisinidad ng Guam at inaasahan na papasok ito sa PAR sa Lunes.

Gayunman, tulad ng nagdaang bagyong Florita, mababa ang posibilidad na tumama ang bagyo o magkaroon ng landfall sa Pilipinas sa halip ay gigilid lamang at papunta sa Japan.

Pero ayon sa PAGASA, malayo pa ang bagyo at may posibilidad pang magbago ang kanyang direksyon.

Samantala, patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang bahagi ng Mindanao.

Ito’y dahil sa umiiral na inter-tropical convergence zone (ITCZ) o nagsasalubungang hangin mula sa magkaibang direksyon na siyang nagdadala ng mga kaulapan dahilan upang nagkakaroon ng mga pag-ulan o thunderstorms.

The post Panibagong bagyo, papasok sa PAR sa Lunes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>