Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagtestigo ni PNoy kay Revilla, sinupalpal

$
0
0

SINUPALPAL ng Malakanyang ang hirit ng kampo ni Senador Bong Revilla Junior na padaluhin sa hearing ng kanyang plunder case sa Sandiganbayan si Pangulong Noynoy Aquino at dating Pangulong Gloria Arroyo, gayundin ang mga miyembro ng gabinete.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, “irrelevant” o walang saysay ang hirit ng kampo ni Revilla.

Hindi nila makita ang lohika ng mga abogado ng Senador dahil wala pa naman sa puwesto si Pangulong Aquino noong mga panahon na isinagawa ang mga transaksyon na may kinalaman sa pork barrel scam.

Gayunman, ipinauubaya na ng Palasyo sa Anti-Graft Court ang desisyon kung isu-subpoena ang Pangulo upang magsilbing hostile witness kay Revilla.

Aminado naman si Lacierda na sa kanyang pagkakatanda ay wala pang Presidente ng bansa na dumalo sa hearing ng kaso ng isang akusado.

Kaugnay nito, muling nadiin sa issue ng pork barrel fund scam si Senador Bong Revilla, Jr.

Ito’y makaraang tumestigo sa 1st Division ng Sandiganbayan ang isang opisyal ng Commission on Audit (CoA) hinggil sa motion for bail ni Revilla.

Sa testimonya ni Susan Berdia, Assistant Commissioner ng COA, napag-alaman nila na mayroong 12 Special Allotment Release Order (SARO) para sa senador.

Ito aniya ang kanilang natuklasan nang magsagawa ng special audit noong taong 2010 ang ahensya.

Ang mga naturang SARO ay inilabas sa pamamagitan ng mga ahensya ng gobyerno habang ang pondo mula sa mga ito ay inilipat sa mga pekeng NGO ni Janet Napoles, na umano’y utak sa pork barrel scam.

The post Pagtestigo ni PNoy kay Revilla, sinupalpal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>