NANAWAGAN na si Vice President Jejomar Binay sa Malakaniyang na maging transparent at ilantad sa publiko na ang mga proyektong pinondohan ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ginawa ni VP Binay ang pahayag sa kanyang pagharap sa Rotary Club of Manila at binigyang-diin nito na magandang simula ito para sa administrasyon upang patunayan na ginamit ang pondo ‘in good faith.’
Bilang abogado, sinabi ni Binay na dapat itong gawin ng gobyerno bilang tugon sa mga argumentong inilahad ng Korte Suprema makaraang ihayag nitong unconstitutional ang DAP.
Kasabay nito, suportado rin ni Binay ang paglikha ng independent audit para sa DAP funds na ipinanawagan ng ilang mga grupo.
The post Pagiging transparent sa isyu ng DAP, pinanawagan ni Binay appeared first on Remate.